Nasa 95% ng mga kaso ng Monkeypox virus sa mundo ay naipapasa sa pamamagitan ng sexual activities.
Ito ang inihayag ni Department of Health (DOH) Officer-In-Charge Maria Rosario Vergeire kung saan nilinaw nito na hindi ikinokonsiderang sexually transmitted disease ang Monkeypox.
Sinabi rin ng World Health Organization (WHO) na ang naturang virus ay maaaring maipasa sa pamamagitan ng skin-to-skin contact habang nakikipagtalik.
Nabatid na nakapagtala ang DOH ng unang kaso ng Monkeypox virus sa isang 31 anyos na pasyente na dumating sa bansa mula sa abroad noong July 19 at nagpositibo sa nasabing virus noong July 28.