Sumagot na sa panawagan ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos ang 95% na mga koronel at heneral na maghain ng courtesy resignation.
Kaugnay dito, may kabuang 954 na mga colonels at generals ng Philippine National Police (PNP).
Ayon kay SILG Secretary Abalos, 50 pa ang hinihintay na magsumite ng kanilang courtesy resignation hanggang Enero a-31 ngayong taon.
Dagdag pa ni Abalos na sasailalim sa vetting process ng 5 man committee ang courtesy resignation ng mga opisyal upang matukoy ang tiwali o kabilang sa kalakaran ng iligal na droga sa bansa. – sa panulat ni Jenn Patrolla