Isang 95 anyos na lolo mula sa Mandaluyong City ang naitalang pinakamatandang na nakarekober sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Sa isang facebook post, ibinahagi ni Mandaluyong City Mayor Menchie Abalos ang larawan ni Lolo Cresencio Junio habang inilalabas ng Mandaluyong City Medical Center nitong linggo ng pagkabuhay.
Hawak-hawak ni Lolo Cresencio ang karatulang may nakasulat na katagang “I’m a 95-year old COVID survivor”.
Ayon kay Abalos, simbolo si Lolo Cresencio ng liwanag sa gitna ng nararanasang sitwasyon ng Pilipinas sa ngayon.
Kasabay aniya ng Pasko ng Pagkabuhay ang ibinigay na pag-asa sa lahat ni Lolo Cresencio.
Batay sa mga datos mula sa buong mundo, pinakabantad sa pagkakaroon ng severe hanggang critical COVID-19 symptoms ang mga senior citizens o may edad 60 pataas at mga may nararanasan nang sakit.a