Nasa 9,500 personnel ang itatalaga ng National Capital Region Police Office para sa seguridad ng milyun-milyong mag-aaral na magbabalik eskuwela simula sa Lunes, Agosto a – 22.
Ayon kay NCRPO Director Brig. Gen. Jonnel Estomo, kanyang pupulungin ang unit commanders upang talakayin ang kanilang operasyon sa pagbubukas ng school year 2022-2023.
Tiniyak din ng bagong hepe ng NCRPO ang pagpapaigting sa random checkpoints at police visibility sa Metro Manila.
Bagaman aminado si Estomo na limitado ang resources ng NCRPO, kumpiyansa siyang susuportahan ng local government units ang kanilang security measures, bukod pa sa pagpapatuloy ng war on drugs.