Nailigtas na ng mga rescuer ang may siyamnaraan at limangpo’t limang (955) minerong natrap sa isang gold mine sa South Africa.
Ayon sa ulat, ilan sa mga minero ang nakaranas ng dehydration at inatake ng altapresyon ngunit wala naman aniyang seryosong kasong pangkalusugan.
Matatandaang na-trap sa minahan ang naturang mga manggagawa matapos na maputol ang suplay ng kuryente sa ilalim nito.
Ang South Africa ang pangunahing producer ng mga ginto.