Super busy ngayon ang aktres na si Anne Curtis sa paghahanda para sa kanyang kauna-unahang action movie na ‘Buy Bust’.
Matapos kasing sumailalim sa kali martial arts training ay sumabak naman si Anne sa Scout Rangers Training School, kung saan nakita nito ang hirap at dedikasyon ng mga scout rangers.
Sa kanyang post sinabi nitong hindi biro ang ginagawa ng Scout Rangers at saludo siya sa mga ito.
Habang nasa training school ay sinubukan ni Anne na makisabay sa pagtakbo ng mga scout rangers habang may dalang dagdag na 12 kgs habang tumatakbo.
Sinabi nitong hanga siya dahil napapanatili ng mga scout rangers ang mataas na morale sa kabila ng mahirap at masakit na routine.
Makakasama ni Anne sa pelikula ang mixed martial artist na si Brandon Vera sa direksyon ni Erik Matti.
Sa ngayon ay wala pang karagdagang detalye kaugnay sa pelikula.
Photo: Screengrab from annecurtis / Instagram