Tiniyak ng National Task Force against COVID-19 na asahan nang bibilis ang pagbabakuna kontra COVID-19 sa bansa.
Ito’y ayon kay Vaccine Czar Sec. Carlito Galvez ay dahil sa inaasahang pagdating naman ng mas marami pang mga bakuna sa mga susunod na araw.
Batay sa datos, nasa mahigit 1.7-M mga bakuna o 96% ang naipamahagi na sa may 17 rehiyon sa bansa.
Mula sa nasabing bilang, aabot sa 215,997 na mga medical frontliner ang nabakunahan na sa 929 na mga vaccination site.
Maguginitang ipinangako ni Galvez na mayroon nang 2.3 milyong bakuna kontra COVID-19 ang inaasahang darating na sa bansa sa buwan ng Abril.
Ito’y matapos namang pormal nang malagdaan ang Kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at India para sa pagbili ng 30-M Novavax para sa bansa. — ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)