Aabot sa 96 na pamilya o 359 indibidwal ang nanunuluyan pa rin sa pitong evacuation centers dahil sa Bagyong Neneng.
Batay sa datos mula sa DSWD Disaster Response Operations Monitoring and Information Center hanggang kaninang ala-6:00 ng umaga, nasa 253 pamilya o 812 katao ang nananatili sa labas ng evacuation centers.
Naapektuhan ng kalamidad ang nasa 53,845 families mula sa 506 barangays sa Regions I, II at CAR.
Napinsala ng Bagyong Neneng ang ilang mga kabahayan kung saan 60 ang totally damaged habang 222 ang partially damaged.
Umabot naman sa mahigit 33.2 million pesos (P33,296,853.31) ang naipagkaloob na assistance ng DSWD at local government units sa mga naapektuhan ng kalamidad.