Tatanggalin na ng Comission on Elections ang 96 na porsyento ng 130 kabuuang naghain ng COC o certificate of candidacy sa pagka pangulo.
Ipinabatid ni COMELEC Spokesman James Jimenez na 125 presidentiables ang isasalang nila sa hearings para mabatid kung uubrang tumakbo sa 2016 ang mga ito.
Sinabi pa ni Jimenez na mismong law department nila ang naghain ng disqualification case sa mga nasabing presidentiables.
Kaagad aniyang idedeklarang nuisance candidates ang mga nasabing kandidato kung hindi lulusot sa COMELEC hearing ang mga ito.
Ang pinal na listahan ng mga uubrang tumakbo sa pagka pangulo, bise presidente at pagka senador ay ilalabas ng COMELEC sa December 10.
By: Judith Larino