Sobra sobra para sa pangangailangan ng mga Pilipino ang inaaning palay sa bansa.
Pahayag ito ni Agriculture Secretary Manny Piñol sa harap ng tumataas na presyo ng bigas dahil sa kawalan ng NFA rice sa pamilihan.
Gayunman, hindi anya puwedeng ideklarang self-sufficient sa bigas ang Pilipinas dahil malaking porsyento pa rin ng kabuuang ani ang napupunta sa paggawa ng punla para itanim at pagproseso ng palay para maging bigas.
Maliban dito, hindi rin anya kasama sa pagkwenta ng sufficiency rate ang buffer stock ng gobyerno.
The Philippines is 96% rice sufficient, the remaining 4% would only amount to about 400,000 metric tons, but take note of this, the buffer stock of the country and this is not computed in the rice sufficiency formula, the buffer stock of the country coming in 2018 from 2017 is 2.7 million metric tons good for 88 days. Pahayag ni Piñol
Batay sa pagtaya ni Piñol, posibleng maitala ang pinakamataas na buffer stock sa bigas ng bansa sa pagpasok ng ikalawang bahagi ng taon o sa buwan ng Abril.
The total buffer stock at the end of the 1st quarter would be 5.8 million metric tons, kaya lang ang 2.8 nun, kakainin during the first quarter so ang maiiwan, going to the second quarter would be a buffer stock of about 3 million metric tons that is good for 96 days, the highest volume of buffer stock in recent years. Paliwanag ni Piñol
Gayunman, aminado si Piñol na hindi nararamdaman ng taumbayan ang masaganang ani dahil kontrolado ng mga negosyante ang food chain o ang takbo ng pagkain, mula sa bukid hanggang sa pamilihan.
You know the problem in this country is that the food supply chain from the farm to the market has always been controlled by traders and middlemen. ‘Yung trader sa bayan na nagfifinance ng farmer at nagpapautang ng abono at kapital is the one dictating the buying price of the farmer’s produce. Once he buys it, he passes it on to another layer of middleman and it goes to the wholesaler who passes it on to the retailers, at pagdating sa merkado masyadong mataas na ang presyo. Ani Piñol