Umabot na sa 97.5% ng mga pampublikong paaralan sa bansa ang nakapagpatupad ng 5-day in-person classes.
Ayon kay Department of Education (DepED) Spokesperson Atty. Michael poa maayos naman sa pangkalahatan ang naging pagbubukas ng klase batay sa mga ulat na natanggap ng kagawaran sa mga Regional Director.
Aniya, may ilan lang na paaralan ang hindi pa nakagpapatupad ng limang araw na pasok dahil sa pinsala ng kalamidad.
Sa ngayon, sinabi ni POA na nasa 2.36% pa umano ng pampublikong paaralan ang nagsasagawa ng blended learning.