Bigo ang 97 mga lokal na pamahalaan sa bansa sa pagsunod sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na alisin ang mga abala sa kalsada.
Ayon sa Department of Interior and Local Government (DILG), bagsak ang nakuhang grado ng naturang mga Local Government Unit (LGU) at binigyan lamang sila ng limang (5) araw para ipaliwanag ang hindi nila pagsunod.
Samantala, 328 LGU’s sa buong bansa ang nakakuha ng high compliance rating, 497 ang mayroong medium compliance rating habang 323 naman ang mayroong low compliance rating.
Sa Metro Manila, high compliance rating ang nakuha ng Marikina, San Juan, Mandaluyong, Caloocan, Malabon, Las Piñas, Pasay, Valenzuela, Makati, Paranaque, Navotas at Pateros habang nag iisang nakakuha ng low compliance rating ang Taguig.