Umabot na sa 336 indibidwal o katumbas ng 97 pamilya ang lumikas sa Cagayan Valley at Central Luzon dahil sa Super Typhoon Karding.
Batay sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), sa nasabing bilang, mula sa Central Luzon ang 300 katao o katumbas ng 86 na pamilya habang galing naman sa Cagayan Valley ang 36 na katao o katumbas ng 11 pamilya.
Sinimulan naman ng NDRRMC ang forced evacuation sa Quezon Province sa 20 barangay sa panukulan, 6 na Barangay sa Patnanungan at 5 sa Barangay Jomalig habang isinagawa naman ang preemptive evacuation sa 13 barangay sa Burdeos, Quezon.
Nabatid na itinaas sa red alert status ang Cagayan Valley, Ilocos Region at Bicol Region, gayundin sa Abra, Apayao, Benguet, Ifugao, Kalinga at Mountain Province sa Cordillera Administrative Region (CAR) dahil sa naturang bagyo.
Nakikipag-ugnayan naman ang NDRRMC sa Department of Education (DepEd), Commission on Higher Education (CHED) at local chief executives sa pamamagitan ng pre-disaster risk assessment meetings at regular weather updating sessions para sa posibleng suspensyon ng klase at pasok sa trabaho.