Makababalik na sa trabaho ang nasa siyamnaraan at pitumpu’t dalawang (972) mga Pulis – Caloocan na tinanggal sa puwesto noong Setyembre.
Ito ay matapos na sumailalim sa dalawang (2) buwang retraining.
Ayon kay National Capital Region Police Chief Director Oscar Albayade, mahigit isang daan (100) sa isang libo’t pitumput anim (1,076) na mga Pulis – Caloocan na isinailalim sa retraining ang bumagsak at hindi sumipot dito.
Dagdag ni Albayalde sasailalim pa ang mga nakapasang pulis sa validation at evaluation process ng kanilang binuong komite bago ganap na makabalik sa serbisyo.
Sinabi pa ni Albayalde na posibleng ma – assign sa labas ng Caloocan at Metro Manila ang mga magbabalik serbisyong pulis.