Halos 98% na ang naipapamahaging ayuda sa mga residente ng Metro Manila na naapektuhan ng ECQ noong Agosto 6 hanggang 20.
Ayon kay DILG secretary Eduardo Año , mahigit 11 milyong beneficiary ang nakakuha na ng cash aid na sinimulang ipamahagi noong Agosto 11.
Sinabi ni Año na tinatayang 12 local government units sa NCR ang nakatapos na ng pamamahagi ng nasabing ayuda.
Samantala, nasa halos 82% nang tapos ng Laguna ang pamamahagi ng cash aid at mahigit 32% naman ang Bataan, matapos kapwa isailalim din sa ECQ kasabay ng Metro Manila.