Naipamahagi na sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas ang mahigit 98% ng suplay ng COVID-19 vaccine.
Ayon sa Department of Health (DOH), ilan na lamang ang buffer stock ng bakuna sa mga warehouse ng ahensya.
Ipamamahagi na rin ang mga bagong na-ideliver na bakuna na Pfizer, Sinovac at Sputnik V.
Sa kasalukuyan, higit 12 milyong doses ng COVID-19 vaccines ang natanggap ng bansa. —sa panulat ni Hyacinth Ludivico