Aabot sa 98% ng mga fully vaccinated Filipino ang hindi tinamaan ng COVID-19.
Batay ito sa OCTA Research fourth quarter “Tugon ng Masa” survey noong Disyembre a – syete hanggang a – dose sa 51% ng mga fully vaccinated Pinoy.
Dalawang porsyento naman ang nag-positibo sa COVID-19 kahit fully vaccinated na.
Sa mga nag-positibo, 47% ang sumailalim sa antigen at RT-PCR tests habang 28% ang gumamit lamang ng antigen at 4 percent ang gumamit lamang ng RT-PCR test.
Gayunman, 20 percent ng respondents na nag-positibo ang hindi sumailalim sa anumang diagnostic tests.
Pinaka-mataas na bilang ng adults na tinamaan ng COVID-19 matapos makumpleto ang bakuna ay mula sa balance Luzon, 3 percent; Mindanao, 2% at NCR., 1%.