Inihayag ng Taguig City Government na 98% ng kanilang healthcare workers sa lungsod ay naturukan na ng COVID-19 vaccine.
Ayon sa Taguig LGU, pumalo sa 7,952 ang kanilang mga health workers, na kinabibilangan ng mga doktor, nurses, iba pang mga public and private health workers, at mga medical frontliners na nakatalaga sa kanilang mga COVID-19 referral centers.
Pawang nagmula umano ang mga health workers na ito sa Taguig-Pateros District Hospital, City Health Office, Cruz-Rabe Hospital, Medical Center Taguig, Inc., St. Luke’s Medical Center-Global City, Recuenco General Hospital, Dr. Sabili General Hospital at Taguig Doctor’s Hospital.