Nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang nasa 99 na mga call center agents sa Iloilo City.
Ayon sa Iloilo Health Office, nabatid na positibo sa COVID-19 ang mga naturang call center agents sa pamamagitan ng ikinasang contact tracing ng mga awtoridad.
Ito ay matapos namang masawi sa COVID-19 ang isa sa kanilang kasamahan sa trabaho.
Samantala, dalawang Business Process Outsourcing (BPO) companies na sa Iloilo City ang isinailalim sa lockdown habang limang barangay naman ang inilagay sa selective lockdown dahil sa pagkalat ng virus.
Sa pinakahuling datos ng Iloilo Health Office, nakapagtala na ng kabuuang 288 kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lungsod.