99% ng mga filipino ang hindi kayang bilhin ang mga inireresetang gamot sa kanila dahil sa sobrang mahal na presyo ng mga nito.
Batay ito sa resulta ng survey ng Pulse Asia kung saan lumabas na 23% ng mga respondents ang nagsabing hindi madaling makakuha o makabili ng mga inireresetang gamot.
16% ang nagsabing walang available na gamot sa kanilang lugar, 4% ang wala naman umanong panahon para bumili ng gamot habang 2% ang ayaw nang uminom ng gamot.
Kasunod nito, muling iginiit ni Health Secretary Francisco Duque III ang kanilang panukalang lagyan ng price ceiling o kontrolin ang presyo ng mga mahal pero kinakailangang gamot.
Dagdag ni Duque, lumabas din sa kanilang pag-aaral na 4 na beses na mas mahal ang mga nabibiling branded at generic na mga gamot sa Pilipinas kumpara sa international reference price ng mga ito.
Sinabi ni Duque, sa ngayon, hinihintay pa nilang maaprubahan ng Malakanyang ang kanilang proposed executive order na naglalayong masailalim sa ikalawang batch ng maximum drug retail price ang 122 mga gamot.