Inihayag ng health department na naipamahagi na ang halos 99% ng P311 milyon na special risk allowance o SRA sa mga healthcare workers.
Ito ang karagdagang pondo sa mahigit pitong bilyon na una nang inilaan ng pamahalaan para sa 379, 117 eligible health workers mula Disyembre ng nakaraang taon hanggang nuong buwan ng Hunyo.
Ayon kay Administration and Financial Management Head Undersecretary of Health Leopoldo Vega, kailangan rin maiproseso ang sra ng mga public at private health facilities para makuha ng mga health workers.
Dagdag pa ni Vega, humiling na din sila sa gobyerno ng karagdagang budget para sa mga susunod na eligible health workers kung saan inaantay na lamang ang tugon ng budget department.
Samantala, tiniyak naman ni Health Secretary Francisco Duque III na bibigyang prayoridad ng ahensya ang karapatan ng mga health workers para maibigay ang karampatang benepisyo na naaayon sa batas.