Nakatanggap na ng unang dose ng bakuna kontra COVID-19 ang halos lahat ng residente sa Taguig.
Ito ang inihayag ng lokal na pamahalaan ng nasabing lugar kung saan batay sa datos nito ay umabot na sa 99% o katumbas ng 874,940 na indibidwal ng kanilang target na populasyon ang nabakunahan ng first dose.
Nasa 91% naman o katumbas ng 802, 880 na mga residente ng Taguig City ang nakatanggap na ng kumpletong bakuna.
Samantala, tuloy-tuloy pa rin ang ikinakasang pagbabakuna ng naturang lokal na pamahalaan.—sa panulat ni Airiam Sancho