Naitala ang 99 na volcanic earthquakes sa Bulkan Taal sa nakalipas na magdamag.
Ayon sa Phivolcs, kinabibilangan ito ng 90 volcanic tremor na tumatagal mula isa hanggang 11 minuto, at siyam na volcanic earthquakes.
Bukod dito, namataan din ng Phivolcs ang pagbuga ng bulkan ng steam-rich plumes na aabot sa 1,200 meters at taas mula sa crater nito.
Sa huli, muling pinaalalahanan ng Phivolcs ang publiko na sumunod pa rin sa mga abiso ng mga awtoridad para makaiwas sa panganib na dala ng bulkang taal.