Nakatanggap na ng 9,000 doses ng Sinovac ang Department of Health sa Caraga Region (DOH-13).
Ayon kay DOH-13 director Jose R. Llacuna Jr., mula sa Bancasi Airport sa Butuan City ay agad na dinala ang mga bakuna sa itinalagang storage area sa lugar.
Uunahin namang bakunahan ang tinatayang 4,500 healthcare workers sa Region 13.