Posibleng palayain ngayong kapaskohan ang mahagit siyam na libong Person Deprived of Liberty sa ilalim ng bagong implementing rules and regulation ng revised penal code.
Ito’y matapos pirmahan ng Department of Justice at Department of the Interior and Local Government, ang naturang Implementing Rules and Regulations (IRR) na magbubusisi sa profile ng mga bilanggo na inaasahang magagawaran ng parole o maagang paglaya.
Sakop ng bagong IRR ang pag-papa-igsi sa sentensya ng mga pdl sa ilalim ng good conduct time allowance.
Ayon kay BUCOR Dir. Gen. Gregorio Catapang Jr., ang revised IRR ang magbibigay ng pagasa sa mga bilanggo dahil sa kabutihan na kanilang ipinakita sa loob ng piitan.
Una nang inihayag ni Justice Undersecretary Raul Vasquez, na walong libong pdls ang palalayain mula sa Bureau of Corrections habang isang libo naman ay magmumula sa Bureau of Jail Management and Penology.
Sa kasalukuyan, pumalo na 350% ang nabawas sa jail congestion sa buong bansa mula nang maupo sa puwesto si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. dahil sa mga programang ipinatupad ng pamahalaan. – Sa panulat ni Kat Gonzales mula sa ulat ni Geli Mendez (Patrol 30)