Binuksan na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang ika-siyam na Adopt-A-Park Project sa Lungsod ng Marikina.
Layunin ng naturang programang dagdagan ang lugar na maaaring pasyalan ng publiko, partikular na ng mga pamilya at bawasan ang loteng hindi napapakinabangan.
Inayos at nilagyan naman ng MMDA ng ilaw at food stalls ang 2,100 square meter na Chinese Pagoda Park sa Barangay Sta. Elena.
Sinabi naman ni MMDA acting Chairperson Romando Artes na ang muling pagbubukas ng nasabing pasyalan ay nangangahulugan ng mas marami pang proyekto sa pagitan ng marikina LGU at MMDA.
Samantala, nagpasalamat si Marikina Mayor Marcy Teodoro sa MMDA sa inisyatibo nitong magdagdag ng green spaces para sa mga Marikeño. – sa panulat ni Hannah Oledan