Ginunita ng Japan ang ika-9 na anibersaryo ng pananalasa ng lindol at tsunami na kumitil sa buhay ng libu-libong residente.
Ngunit dahil sa banta ng coronavirus disease (COVID-19), hindi na nagkaroon pa ng seremonya na kinaugalian nang idaos tuwing sasapit ang ika -11 ng Marso.
Gayunman napili na lamang ni Prime Minster Shinzo Abe na magsagawa ng isang maliit at maikling memorial ceremony o moment of silence para sandaling alalahanin ang pangyayaring iyon sa kanilang bansa.
March 11, 2011 nang tumama ang 7. 8 na lindol sa Japan na sinundan naman ng tsunami.