Pansamantalang suspendido ang klase at trabaho sa Tacloban City at iba pang lugar sa Leyte sa Martes, Nobyembre 8 upang gunitain ang ika-9 na anibersaryo ng nagdaang super typhoon Yolanda.
Sa isang pahayag, iniutos ni Tacloban City Mayor Alfred Romualdez ang pagsuspinde sa klase at trabaho ng gobyerno sa naturang araw na kung saan magkakaroon ng aktibidades ang iba’t ibang grupo upang maalala ang mga aral at karanasan sa bagyo.
Matatandaang nag-landfall si Yolanda noong 2013, na nag-iwan ng malaking pinsala sa Visayas at kumitil ng mahigit 6,000 indibidwal habang 28,000 ang naitalang nasugatan.
Samantala, naglabas din Executive Order ang ilang opisyal kaugnay sa pagsuspinde ng mga klase at trabaho sa mga opisina ng gobyerno.—mula sa panulat ni Maize Aliño-Dayundayon