Gagamit na ang PAGASA ng artificial intelligence para sa weather forecast.
Ito mismo ang kinumpirma ni Science and Technology Secretary Renato Solidum dahil makikipagsabayan na ang ahensya sa ibang bansa para sa pagtaya ng panahon.
Ayon sa kalihim, sinimulan na ng isang A.I. weather company mula Amerika ang paggamit ng A.I. para sa mas mahabang pagtaya ng panahon mula limang araw hanggang labing apat na araw.
Kabilang sa mga ginagawa ay ang pag-zoom in ng datos para sa mga lugar sa Pilipinas upang mas mapabuti pa ang pagbibigay ng impormasyon kaugnay sa panahon.
Maliban dito, maglulunsad din ang DOST ng bagong programa na tatawaging Eleva8 Philippines, na layuning palakasin ang bansa sa paggamit ng artificial intelligence sa mga imprastraktura ng kagawaran at pagtatatag ng artificial intelligence hubs.