Tumabo agad ng P43.3 million pesos ang pelikulang A Second Chance nina John Lloyd Cruz bilang Popoy at Bea Alonzo bilang Basha sa unang araw nito sa takilya.
Ayon sa Star Cinema, magdadagdag pa sila ng midnight screenings dahil sa dami ng gusto ng manood ng gabi.
Dahil dito, hawak na ng A Second Chance ang record bilang highest grossing non-Metro Manila Film Festival Filipino movie sa unang araw nito sa mga sinehan.
Pinasalamatan naman ni John Lloyd ang mga tumangkilik sa A Second Chance at hinimok ang mga hindi nakakapanood na panoorin ang sequel ng One More Chance.
By Ralph Obina