Ayon sa Filipino community sa Hong Kong, nasa 31,300 Filipino absentee voters ang nakapagtala na ng kanilang boto.
Maliban dito, dumami rin ang Hong Kong polling precincts para i-accommodate ang mga inaasahan pang botante.
Anila, inaasahan kasing 75K hanggang 80K mula sa na 93,600 registered overseas absentee voters sa nasabing bansa ang posibleng bumoto pa hanggang matapos ang polling period.
Dagdag pa nila, humahaba ang pila sa bawat polling precint pagdating ng Sabado at Linggo.
Samantala, tiniyak ng Filipino community sa Hong Kong na nakikipag-ugnayan na sila sa Philippine consulate para labanan ang pagpapakalat ng maling impormasyon ukol sa eleksyon. - sa panulat ni Abie Aliño-Angeles