Nakababahala ang napakalaki nang pagkakautang ng ating bansa.
Ito ang inihayag ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto makaraang umakyat na sa P10.3-trillion ang outstanding debt ng ating gobyerno hanggang nitong Enero ng taong kasalukuyan.
Giit ni Recto, ang patakaran kapag tayo ay umuutang dapat ay gagamitin ito sa tama.
Mahalaga anyang ilaan ito sa pagpapalago ng ating ekonomiya.
Ayon kay Recto, makatutulong o may benepisyo sa atin ang pangungutang basta’t mas mabilis ang pag-akyat ng ating ekonomiya kaysa sa ating utang.
Lomobo ang ating utang dahil kinailangan ng pamahalaan ng pondo para pangtugon sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic. —ulat mula kay Cely Ortega-Bueno