Tinatayang aabot sa 3,000 ang inimbitahan para sumaksi sa kauna-unahang State Of the Nation Address o SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Hulyo 25.
Binubuo ito ng Diplomatic corps, matataas na opisyal ng pamahalaan, VIP at pamilya ng mga Kongresista at Senador
Ayon ay House Deputy Secretary General Arsenio Adaza, sisimulan ang SONA sa pag-awit ng Lupang Hinirang sa pangunguna ni Bayang Barrios
Kaugnay nito, nagtungo kanina si Barrios sa Batasang Pambansa upang tingnan kung saan siya pupuwesto sa mismong araw ng SONA
Samantala, sinabi ni Adaza na babaliin na rin ng Pangulong Duterte ang tradisyon tuwing SONA at hindi na ito makikipagkamay sa mga mambabatas bago at matapos ang kaniyang ulat sa bayan
By: Jaymark Dagala