Milyong Overseas Filipino Workers ang natulungan ng Department of Labor and Employment sa ilalim ng kanilang repatriation at reintegration program ngayong taon.
Ayon sa DOLE, nasa mahigit isang milyong OFW’s ang naipasok sa welfare and protection program ng OWWA at DOLE Regional Offices at mga attached agency.
Maliban dito, nasa mahigit 36,000 OFW’s din ang natulungan ng DOLE na makauwi mula July hanggang October ng taong ito.
Mahigit 19,000 rito ay nanggaling sa gitnang silangan na nakatanggap ng tig 20,000 Pisong financial aid.
Ayon sa DOLE, aabot sa mahigit 114 Milyong Piso ang nailabas na pondo ng DOLE para sa ibat ibang ayuda sa mga OFW’s tulad ng pagkakaloob ng pagkain at hygiene kits, legal counseling, stress debriefing at marami pang iba.