Mahigit 100 bahay ang natupok ng apoy sa General Santos City nitong Miyerkules.
Pasado ala-una ng hapon nang magsimula ang sunog sa Purok Saeg, Barangay Calumpang at tumagal ng halos apat na oras bago idineklarang fire out.
Batay sa inisyal na pagtaya ng City Social Welfare and Development Office, higit kumulang 1,025 pamilya ang apektado ng naganap na sunog at pansamantalang nananatili ang mga ito sa Calumpang gym.
Isa din ang naiulat na nasaktan sa insidente.
Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga otoridad sa posibleng pinagmulan ng apoy.—sa panulat ni Hyacinth Ludivico