Namahagi ng tulong pinansyal sa mga medical frontliner, operator at driver ang pamahalaang lokal ng San Juan City.
Aabot sa 1,300 indibidwal ang nakatanggap ng tig-3K cash aid bilang tulong sa mga apektado ng banta ng COVID-19.
Ayon kay San Juan City Mayor, Francis Zamora, ginawa nila ang distribusyon bilang pagkilala at pasasalamat sa katapangan at patuloy na pagbibigay serbisyo sa COVID-19 response at iba pang programa ng lungsod para labanan ang corona virus.— sa panulat ni Angelica Doctolero