Nasawi ang halos 18 kataong nagwewelga laban sa patuloy na umiiral na kudeta sa Myanmar matapos pagbabarilin ng mga otoridad ayon kay Joint Secretary of the Assistant Association for Political Prisoners right groups Ko Bo Kyi.
Ayon naman kay youth activist Thinzar Shunlei Yi sa panayam ng Reuters, kakila-kilabot at isang massacre na maituturing ang naganap na pag-atake at wala aniyang salita ang makapagpapaliwanag sa naramdaman nila sa naganap na pangyayari.
Samantala, nagpahayag naman ng kalungkutan ang Santo Papa sa kanyang twitter post kaugnay sa madugong pangyayaring ito at umapela sa mga otoridad ng maayos na pakikipagdayalogo.
Matatandaang bumisita ang Santo Papa sa Myanmar noong 2017 na kilalang bansa sa pananampalatayang Budismo.— sa panulat ni Agustina Nolasco
As of now, so called military killed at least 18 deaths from North Okkalapa in RGN, Mandalay, Monywa, Myingyan, Pyin Oo Lwin and Salin in Magwe. The death list may increase later. In addition, many got injuries. Some are critical situation.
— Ko Bo Kyi (@kobokyi) March 3, 2021
Sad news of bloody clashes and loss of life reach us from Myanmar. I appeal to the authorities involved that dialogue may prevail over repression, and ask the international community to ensure that the aspirations of the people of Myanmar are not stifled.
— Pope Francis (@Pontifex) March 3, 2021