Aabot sa mahigit 2,000 kumpanya ang nagsara dahil sa epekto ng krisis bunsod coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Ayon kay Labor assistant secretary Dominique Rubia- Tutay, dahilan ito para mawalan ng trabaho ang nasa mahigit 69,000 na mga manggagawa.
Ani Tutay, Pebrero pa lang ay apektado na sila kaya naman kung malaki na ang nalulugi sa mga ito ay mapipilitan na talaga silang magsara o magbawas ng empleyado.
Gayunman, nagpaalala si Tutay hinggil sa obligasyon ng mga employer na pagbibigay ng separation pay sa kaniyang mga manggagawa.