Tinatayang aabot sa 20,000 ang nakilahok sa ika-57 taon ng Alay-Lakad na layuning suportahan ang mga kabataang salat sa yaman subalit nais makapag-aral.
Kasama ang mga mag-aaral mula sa iba’t ibang paaralan, lumahok din sa Alay-Lakad ang mga guro, opisyal at mga kawani ng pamahalaan, pulisya, militar at iba pang mga civic organizations.
Binagtas ng mga nakilahok sa Alay-Lakad ang kahabaan ng Roxas Boulevard hanggang sa marating na nila ang makasaysayang Quirino Grandstand kung saan doon naman nagsagawa ng maikling programa.
Ang tema ng Alay-Lakad para sa taong ito ay “lakad para sa pag-asa ng kabataan” kung saan, target na matulungan ang may 50 mahihirap na kabataan mula sa mga donasyong pondo na kanilang nalikom.