Tinatayang 200k manggagawa ang inaasahang magbabalik-trabaho kasabay ng pilot implementation ng panibagong COVID-19 alert level system sa Metro Manila, simula bukas.
Umaasa si Trade Secretary Ramon Lopez na makababangon muli ang ekonomiya lalo’t nasa P180 milyon kada linggo ang projected revenue sa pagbabalik ng mga manggagawa.
Ayon kay Lopez, kabilang sa mga makikinabang ang mga nasa industriya ng food at personal care service tulad ng barbershops at beauty salons.
Nasa dalawang milyong katao anya ang nagta-trabaho sa restaurant industry at halos kalahati sa mga ito ay nasa Metro Manila.
Simula bukas ay isasailalim ang NCR sa GCQ. with alert level 4, ang ikalawang pinaka-mataas sa five-level alert system.—sa panulat ni Drew Nacino