Iniutos ng liderato ng Bureau of Immigration (BI) ang pagpapaalis sa halos 3K mga Chinese nationals dahil sa paglabag sa kondisyon ng kani-kanilang mga visa.
Ayon kay Commissioner Jaime Morente, mula noong January hanggang ngayong buwan, nasa 2,736 na mga Chinese nationals na ang nabigyan ng Visas Upon Arrival (VUA), pero hindi umalis ng bansa ang mga chinese nationals sa itinakdang departure date sa mga ito.
Sa ilalim kasi ng batas, hindi nito pinapayagan ang mga VUA grantees na manatili sa bansa nang higit o lagpas sa 1 buwan.
Mababatid na ang VUA program ay bahagi ng proyekto ng justice at tourism department para makahikayat ng mga Tsino at tour groups na bumisita sa bansa nang hindi na kinakailangang pmag-apply ng visa sa konulado ng Pilipinas sa kanilang country of origin.
Paliwanag ni Morente, nag-aapply ang VUA grantees sa mga DOT tour accredited, pero sinuspinde na ito noong Enero para mapabagal ang pagdagsa ng mga Chinese tour groups.
Sa ngayon, ay nanatiling suspendido ang naturang programa bilang pagtalima sa restrictions ng pamahalaan sa pagpasok ng mga dayuhan ngayon may banta ng COVID-19 pandemic.