Halos 400 ang dinapuan ng bagong variant ng COVID-19 sa Japan.
Ayon kay Tomoya Saito, namumuno sa center for emergency preparedness and response, ang naturang bagong variant ay hindi katulad ng naitala sa United Kingdom, South Africa at sa Brazil.
Dagdag ni Saito, marahil ang bagong strain ay nagmula sa ibang bansa.
Bukod dito, pinag-aaralan ng mabuti kung anong klaseng strain ang tumama sa mga residente.
Samantala, sinabi ni Saito, maglalabas sila ng buong detalye matapos masuri ito ng mabuti at malaman kung anong klaseng strain ito.— sa panulat ni Rashid Locsin