Aabot sa 420K doses ng COVID-19 vaccines ang naipadala na sa Region 10 o Northern Mindanao.
Ito ayon kay National Task Force against COVID-19 Deputy Chief Implementer Vince Dizon sa gitna ng kritisismo na tila napapabayaan umano sa pamimigay ng bakuna ang Mindanao.
Sinabi ni Dizon, maliban pa sa 420,000 na naipadala na mayroon pang karagdagang bakuna na i-dineliver kahapon na aabot sa 56,000 doses.
Sa nasabing bilang 35,000 dito ang Pfizer-Biontech habang 21,000 dito ay Sinovac.
Pagtitiyak ni Dizon, walang sinoman ang maiiwan sa vaccination program ng gobyerno.