Inilarawan ni Israel Prime Minister Benjamin Netanyahu bilang isang matinding sakuna ang naganap na stampede sa Mount Meron tomb of the 2nd-century sage Rabbi Shimon Bar Yochai na ikinamatay ng aabot sa 44 katao.
Ayon kay Zaki Heller, tagapagsalita ng Magen David Adom rescue service nasa 150 katao ang isinugod sa ospital, anim ang nasa kritikal na kondisyon,18 ang lubhang nasugatan, 41 naman ang sugatan.
Sa pahayag naman ng Direktor ng Hatzalah isang volunteer emergency medical service organization na si Eli Beer hindi inla inaasahan ang dami ng tao na dadalo sa Lag BaOmer, isang Jewish religious holiday na siyang ginunita ngayong Biyernes.
Batay naman sa ulat ng pulisya, nasa 100k katao ang dumalo sa naturang pagtitipon
Samantala, batay sa ulat ng Agence France-Presse tanging 10,000 katao lamang ang bilang ng otorisadong dumalo sa nasabing religious activities subalit higit 650 na mga bus ang dumating sakay ang 30,000 katao.