Hindi bababa sa 4,000 balikbayan boxes na natengga dahil sa ‘scam’ ang dinagsa ng mga kaanak ng mga Overseas Filipino Workers (OFW) na ilang buwan nang hinihintay ang naturang padala.
Batay sa ulat galing umano ang naturang balikbayan boxes sa middle east na napasama umano sa balikbayan box scam.
Kung saan dinala ang mga naturang kahon sa isang warehouse Balagtas, Bulacan.
Nabatid na matapos makarating sa Pilipinas ng mga nasabing balikbayan boxes ay inabandona na ito nang pinag-padalhang delivery company mula sa middle east at hindi nag-iwan ng pambayad para mailabas ng customs at sa magdedeliver nito pagdating sa Pilipinas.
Dahil dito inako na lamang ng Bureau of Customs ( BOC) ang mga bayaring hindi ibinigay ng inerereklamong delivery company kaya libre at walang nang babayaran ang pinadalhan