Nagpositibo sa sakit na COVID-19 ang aabot sa 500 mga nurse sa lalawigan ng Ilocos, Sur.
Ayon sa head ng Ilocos Sur Medical Society na si Dr. Jun Tagorda, aabot sa 10 doktor ang tinamaan ng COVID-19 habang ang iba naman ay mga nurse.
Dagdag pa ni Tagorda, nakakaranas ngayon ng moderate o severe symptoms ang mga health workers na tinatamaan ng nakakahawang sakit.
Samantala, umabot naman sa tatlong libo ang aktibong kaso at patuloy paring tumataas ang COVID-19 cases sa lalawigan.
Humiling naman ang mga nurse na higpitan ang quarantine restriction o isailalim sa Enhance Community Quarantine ang lalawigan ng Ilocos, Sur.
Sa ngayon, problemado ang mga LGUs dahil nagkukulang ang mga beds sa ilang mga ospital maging ang mga community isolated units o quarantine units sa lugar.—sa panulat ni Angelica Doctolero