Halos 60 na ang nasawi sa panibagong suicide bombing sa Afghanistan.
Naganap ang pambobomba habang abala sa pagdarasal angmga mananampalataya ng Shiite sa isang Gozar-E-Sayed mosque sa lungsod ng Kunduz.
Ayon sa Taliban, isang lalaking Uyghur Muslim, na miyembro ng Islamic State, na nakihalubilo sa mga tao sa loob ng mosque ang naglunsad ng pag-atake, noong Biyernes.
Inako na ng grupong Islamic State ang panibagong pagpapasabog.—sa panulat ni Drew Nacino