Nasa halos 7,000 ang sinita at inaresto dahil sa paglabag sa curfew sa Metro Manila.
Batay sa datos na inilabas ng Philippine National Police o PNP, nangunguna ang Manila Police District na may 2,000 sa may pinakamataas na lumabag sa curfew sinundan ng Southern Police District na may 1,993 sumunod ang Quezon City Police District (QCPD).
Ayon sa MMDA, nakasalalay sa mga Local Government Units o LGU kung paano ipatutupad ang curfew at lockdown sa kanilang mga lungsod.
Samantala, patuloy pa ring pinaiigting ng mga LGU ang pagpapatupad upang makontrol ang paglaganap ng COVID-19 sa bansa.— sa panulat ni Rashid Locsin