Halos 800 mga pamilya mula sa Barangay Tananzang at Barangay Palavilla sa Lutayan, Sultan Kudarat ang naapektuhan ng pananalasa ng flash flood.
Ayon kay Lutayan Municipal Disaster Risk Reduction Officer Al Ryan Limbo, tumagal ng higit tatlong oras ang naranasang pagbaha sa lugar.
Karamihan aniya sa mga pamilya ay agad na nakabalik sa kanilang mga tahanan maliban sa 12 pamilya na nasa evacuation pa rin matapos mapinsala ang kanilang mga bahay.
Wala namanng napaulat na nasaktan o namatay dahil sa naganap na flash flood.—sa panulat ni Hya Ludivico