Tinatayang aabot sa 90% ng mga residente ng lungsod ng Marikina ang nakabalik na sa kani-kanilang kabahayan makaraang manuluyan sa mga evacuation centers dahil sa Bagyong Ulysses.
Ayon kay Marikina Mayor Marcelino Teodoro, sa pinakahuling datos, nasa 1,050 na mga pamilya na lang ang nananatili sa mga evacuation centers.
Mababatid sa isinagawang monitoring ng lungsod, aabot ng higit sa 500 kabahayan ang pinadapa nang manalasa ang bagyo.